Kampeonato nasungkit ng Road Warriors

NAPANATILI ng NLEX Road Warriors ang titulo ng PBA D-League Aspirants Cup kasunod ng paglampaso sa Freego Jeans Makers sa kanilang ikalawang straight na panalo sa best of three final showdown sa The Arena sa San Juan City, Martes ng gabi.

Ang 80-75 panalo ng defending champions Road Warriors ay kasunod ng 75-51 pagragasa ng tropa ni coach Boyet Fernandez noong Game 1 na idinaos noong Biyernes ng hapon.

Si Chris Ellis ay nakawala sa third quarter at tinanghal na top scorer sa isinukbit niyang 20 puntos na dinagdagan ni Calvin Abueva ng 17 at 15 ni Cliff Hodges.

Sa tropa ni Leo Austria, apat na players na sina Eric Camson, Lester Alvares, Ralfh Nuyles at John Lopez ay pumuntos ng 24, 15, 14 at 12, ayon sa pagkakasunod subalit hindi sapat para sa sapawan ang 61 na itinutal nina Ellis, Abueva, Hodges at Garvo Lanete.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply