Mancao dismayado sa pagkakaalis sa WPP

DISMAYADO si dating police Supt.  Cezar Mancao II sa paglilipat sa kanya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang alisin ng Deparmtent of Justice (DOJ) sa ilalim ng Witness Protection Program.

Ito ay matapos na ihayag ng korte na “unworthy witness” si Mancao sa prosekusyon laban kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Ayon naman sa tumatayong legal counsel ni Mancao na si Atty. Ferdinand Topacio, nasayang lamang aniya ang sakripisyo ng kanyang kliyente upang maging testigo sa Dacer-Corbito double murder case.

Sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na wala silang magagawa kundi sundin ang kautusan ng korte na ilipat si Mancao sa kustodiya ng NBI.

Ayon pa sa kalihim, kanila pang hinihintay ang rekomendasyon ng prosecution panel na pinangungunahan ni Senior State Prosecutor Philip Kimpo na may hawak sa Dacer-Corbito case para sa status ni Mancao . Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply