Kanin pantawid-gutom ng mga Pinoy

LALONG dumarami ang bilang ng mga Filipinong umaasa sa kakaunting bigas para maibsan ang gutom. Ito ang pahayag ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS) ngayon.

Ayon sa sarbey ng BAS noong 2011, 308.9 gramo ng bigas ang kinakain ng bawat Pilipino araw-araw, mas mataas sa base level na 282.63 gramo kada araw noong taong 2000.

Kasabay ng pagtaas ng konsumo ng bigas ay ang pagbaba naman ng bilang ng mga Pinoy na kumakain ng karne at gulay.

Sa sarbey, sinabing nakatitipid ang mga Pinoy sa pagkain ng mas maraming kanin kaysa sa ulam dahil mas mura ang kanin.

Lumabas rin sa pag-aaral ng Philippine Survey and Research Center (PSRC) noong nakaraang taon na 62 porsiyento ng mga Pinoy ang nagtitiis sa mababang uri ng bigas upang mapagkasya ang kanilang badyet.

Gayunman, aminado ang maraming Pinoy na ang mababang kalidad ng bigas ay hindi gaanong nakatutulong para ganahang kumain dahil kailangan din nito ang masarap na ulam.

Matatandaang nangako si Agriculture Secretary Proceso Alcala na magiging self-sufficient na sa bigas ang bansa sa 2013.

Gayunman, inamin niyang bumibili pa rin ang bansa sa China, Taiwan, Malaysia at Vietnam ng hindi bababa sa 500,000 metriko toneladang bigas taon-taon bilang buffer stock sakaling salantain ng kalamidad ang mga pananim na palay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply