Kapangyarihan ng BSP sa pagsiyasat sa bank account ng gov’t official bubusisiin

NABABAHALA ang mga senador sa Bangko Sentral na Pilipinas (BSP) Circular No. 706 na ibinase sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) na nagbibigay kapangyarihan sa BSP na busisiin ang bank accounts ng mga senior government official.

Dahil dito, iimbestigahan ng Senado ang umano’y kapangyarihan ng BSP na imbestigahan ang mga tinaguriang “Politically Exposed Person” (PEP).

Kabilang dito ang head of state, judicial at military officials, mga local government unit (LGU) kasama ang mga opisyal sa mga government-owned-and-controlled corporations (GOCC), bagay na lumutang sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, malinaw umanong paglabag sa kanilang karapatan at mahalagang pagpaliwanagin hinggil dito ang BSP.

Giit ng senador, dapat ding alamin kung sino-sino ang mga pulitiko at opisyal ng gobyerno na sumalang sa ganitong uri ng pagsisiyasat.

Layunin ni Enrile na maipakulong sinuman ang may kagagawan nito.

May posibilidad din umanong hindi na tumanggap ang mga bangko ng deposito mula sa mga pulitiko.

Samantala, hiniling naman ni Senador Loren Legarda na muling pag-aralan ng Senado ang AMLA gayundin ang implementing rules and regulations nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply