Kapatid ni Imelda Marcos namayapa na

KUMPIRMADONG binawian na ng buhay ang kapatid ni dating Unang Ginang at Rep. Imelda Romualdez-Marcos na si Benjamin “Kokoy” Romualdez.

Nabatid na kaninang alas-3 ng hapon nang bawian ng buhay sa Makati Medical Center si Romualdez sa edad na 81 dahil sa sakit na cancer.

Si Romualdez ay naitalang ika-31 sa pinakamayaman na Filipino sa inilabas na issue ng Forbes Magazine sa yamang US$70 million.

Ilang linggo ring nasa intensive care unit ng ospital ang dating ambassador bago namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply