Kapitan nagpatiwakal sa loob ng simbahan

HUMINGI muna ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan ang isang barangay chairman bago nagpakamatay sa loob mismo ng simbahan sa Nueva Ecijia, sa ulat ng pulisya ngayong hapon.

Dead on the spot ang Sangguniang Pambarangay official na kinilalang si Barangay Captain Alfredo Camingyan, ng Brgy. Bagong Sikat matapos magbaril sa loob ng San Jose Cathedral bandang alas 8:30 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Nueva Ecijia PPO, nakita si Camingyan na pumasok ng simbahan at nagdasal subalit matapos umusal ng kanyang panalangin ay binunot nito ang dalang baril saka itinutok sa sentido at pinaputok.

Kaugnay nito, inutos na isailalim sa paraffin test ng pulisya ang bangkay ng barangay chairman upang malaman kung may foul play sa insidente.

Una rito, ayon kay City police chief Supt. Peter N. Naboye, nakita ng sakristan ng simbahan na bigla na lamang may binunot na baril ang biktima at saka itinutok sa ulo.

Narekober sa tabi ng biktima ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ng barangay chairman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply