Kapitan patay, anak kritikal sa ambush

PATAY agad ang isang barangay chairman, habang malubhang nasugatan  ang anak nitong babae matapos silang paulanan ng punglo ng armadong kalalakihan sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Kinilala ang namatay na si Kagi Akmad Compania ng Brgy. Damablac, Talayan, Maguindanao, habang sugatan naman ang anak na si Noraida Compania.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Maguindanao Provincial police Office, lulan ng Toyota Revo (LDM-297) ang mag-ama, patungong Cotabato City nang ambusin ng mga suspek.

Patuloy na ginagamot sa isang ospital sa Cotabato City si Noraida.

Hinihinala namang pulitika ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply