KAPRITSO NG LAMAN (Ika-22 labas)

HINDI nagustuhan ni Jude ang biro ng pinsan. Kaagad niya itong kinontra.

“Huwag kang magbiro nang ganyan, pinsan. Hindi siya katulad ng ibang babae. Huwag mo siyang ikumpara sa kanila,” mainit niyang sabi.

Tumawa si Molly.

“Joke lang, pinsan. Marami na kasi akong narinig na kuwento na maraming misis na dahil sa lungkot ay napipilitang pumatol sa ibang lalaki sa ibang bansa at nakikipaghiwalay lamang kapag magbabalik-bayan na!” aniya.

“Totoo iyan!” ayon naman ng isa pa nilang pinsan na si Nando. “May kumpare ako na nakipaghiwalay sa kanyang asawa dahil sa ganyang kaso.”

May kumampi kay Jude.

“Tama kayo na may mga babae na nangangaliwa ng asawa pero hindi lahat. Kaya hindi tamang ibilang natin sa kanila si Sally hangga’t wala tayong ebidensiya,” sabi naman ni Kanor.

Hindi na nagsalita sina Nando at Molly para hindi humaba ang usapan.

Nagpatuloy na ang masaya nilang inuman.

Nang tinamaan na sila, nabago na ang takbo ng kanilang naging usapan.

Nagkayayaan na silang lumabas.

“Mag-goodtime tayo sa labas. Lagi na lang sa mga misis natin tayo nagpapasabog.

Tumikim naman tayo ng isa,” sabi ni Molly.

“Game ako riyan,” sabi ni Nando.

“Isama natin si Jude. Siya itong bakante. Siya ang nangangailangan na maglinis tubo,” masayang sabi naman ni Kanor.

Hindi nakatanggi si Jude sa pangungulit ng pinsan.

Noon din ay lumakad ang magpipinsan.

Lulan sila sa SUV ni Kanor.

Humantong sila sa isang medyo class na beerhouse sa Timog Avenue.

Ang gaganda ng mga GRO …

Mga batambata at mukhang fresh na fresh ang dating.

Mga estudyante ang iba sa kanila …

Sa lugar na iyon, pakiramdam ni Jude ay nakalimutan niya ang taglay na problema.

Nalibang siya sa panonood sa mga naggagandahang nude dancer na halinhinang nagsasayaw sa stage.

Hanggang sa biglang bumango sa kanyang tabi.

Nang gulat na luminga si Jude, isang magandang GRO ang nakaupo na sa kanyang tabi.

“Para sa iyo, pinsan,” nakangiting sabi ni Kanor. “Para naman malibang ka paminsan-minsan. Huwag mong masyadong isipin ang asawa mo. Dahil wala siya rito, ibaling mo muna sa iba ang iyong atensiyon.”

Napilitang harapin ni Jude ang katabi.

“Ano nga pala ang name mo, miss?” nakangiti niyang tanong.

“Delilah!” maikli niyang sagot.

“Wow! Kapangalan mo pala ang syota ni Samson na naghudas sa kanya sa unang panahon,” nakatawang biro ng lalaki.

“Ikaw… ano naman ang name mo?” tanong naman ng GRO.

“Jude!”

Ang babae naman ang tigas na hagikhik.

“At kapangalan mo pala si Judas na naghudas kay Jesus Christ. Pero mukha kang mabait kaya tuturuan kitang maghudas sa iyong asawa,” tumatawang sabi ni Delilah.

Nagkatawanan ang dalawa. Nang hindi sinasadyang mapatingin si Jude sa kanyang mga pinsan.

Nakita niya na may kanya-kanya na rin silang ka-table at kanya-kanyang angkla na sila sa mga ito at papakang umaatikabo.

Naiinggit na napatingin si Jude kay Delilah na buong tamis namang ngumiti sa kanya.

Nang biglang hawakan ng babae ang isa niyang kamay…

Ipinatong sa kanyang hita at pahimas na pinagapang …

Diretso sa maumbok na pagkababae sa pagitan ng kanyang mga hita.

Biglang idinakma.

Biglang napatingin si Jude sa magandang mukha ni Delilah.

“Huwag kang magpalamang sa mga pinsan mo. Magpakaligaya ka rin. Hindi ba’t iyon ang dahilan kaya nagpunta kayo rito?” namumungay ang matang sabi ng GRO.

Nangatal ang katawan ni Jude dahil sa sinabi ng babae.

Bigla niya itong niyakap at sinakmal ng halik ang mga labi sabay giit ng isang kamay sa garter ng panty ni Delilah.  ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply