KAPRITSO NG LAMAN (Ika-25 na labas)

 

DINAGDAGAN ni Jude ang bayad sa GRO para hindi na siya magreklamo.

Nagpatuloy pa ang inuman ng magpipinsan pero makaraang makaubos ng ilang bote ay nagkayayaan na silang umuwi.

Naisipang biruin ni Molly si Jude habang nagbibiyahe sila pauwi lulan ng sevice nilang SUV.

“Hindi pa natatagalang nawawala si Sally ay nagwawala ka na sa kama, pinsan. Aba’y nagmukhang kawawa sa iyo ang kapartner mong GRO. Hindi na kikita iyon sa iba. Napilayan, e! Grabeng gasgas siguro ang inabot sa alaga mo. Sobrang laki kasi niyan. Hindi bagay ang nababakante,” aniya.

Tigas namang tawa ni Digoy.

“Magtiis siya. Hindi kasi pangtao ang nakatapat niya!” sagot naman ni Jude.

Nagkatawanan ang mag-pinsan.

Hanggang sa makarating sila sa bahay na inuuwian ni Jude. Tahimik na bumaba ang lalaki.

“Kapag gusto mo ulit maglinis tubo, sabihin mo lang, pinsan. Sa ibang lugar naman tayo pupunta para may thrill,” sabi ni Digoy.

“Maghahanap na lang ako ng maliligawan para walang gastos,” sagot naman ni Jude at pumasok na sa gate ng kanilang bahay.

Umalis na naman ang dalawang pinsan.

Nang buksan ni Jude ang pintuan ng kanilang bahay, sinalubong siya ng lungkot.

Ang hirap talagang mapag-isa. Kung bakit kasi pinayagan niyang umalis ang asawa para mag-abroad.

Dalawa hanggang tatlong taon puwedeng magtagal si Sally sa Taipei.

Napakahabang panahon na magtitiis siyang walang katabi at kayakap sa pagtulog.

Walang pagbubuhusan ng init ng katawan kapag sinumpong ng matinding pangangailangan sa seks.

Bigla niyang naisip ang asawa. Kung ano ang ginagawa nito kapag sinumpong ng matinding pangangailangan.

Siguradong namamaluktot din siya sa hirap sa sobrang pagtitiis.

Nang bigla niyang maalala ang sinabi ng pinsang si Molly.

Paano kung hindi rin siya nakatiis at naghanap ng lalaki na titighaw sa kanyang pangangailangan?

Biglang napasuntok si Jude sa kaliwang palad.

“Huwag naman sana!” sabi niya sa sarili.

Hindi na dinalaw ng antok ang lalaki dahil sa naisip.

Kinuha na lang niya ang alak sa ref at itinuloy ang paglalasing.

Hanggang sa labis na kalasingan na siya sinumpong ng antok.

Kung saan siya nalasing, doon na rin siya nakatulog.

Sa mga sandaling iyon, tulog na rin sina Jason at Sally.

Sa kaligayahang pinagsaluhan sila nakatulog.

Magkayakap pa sila habang natutulog.

Kinabukasan, maagang nagising si Sally.

Tulog pa si Jason pero hindi niya ginising.

Lumabas na siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal.

Papasok na sila ng trabaho ng binata mamaya.

Habang nagluluto, biglang sumilid sa kanyang isipan ang asawang si Jude.

Biglang sinurot ng kanyang kunsensiya ang babae dahil sa nagawang kataksilan sa lalaki.

Hindi niya namalayan ay nangingilid na ang luha niya sa mga mata.

Sa puntong ito biglang pumasok sa kusina si Jason.

“Parang umiiyak ka. May problema ka ba?” tanong ng binata.

“W-Wala! Napuwing lang ako!” dahilan niya.

“Hindi ganyan ang napuwing. Iniisip mo ba ang nangyari sa atin kagabi? Tungkol doon, wala kang dapat na ikabahala. Handa ko namang panagutan ang nangyari sa ating dalawa,” sabi ng lalaki.

Hindi sumagot si Sally.

Naghain.

“Kumain na tayo. Baka ma-late tayo sa trabaho,” sabi ni Sally.

Walang imik na dumulog sa hapag si Jason.

Habang sila ay kumakain, panay ang kuwento ng lalaki.

Ayaw daw niyang abutan ng pagtanda rito sa Taiwan.

Kapag nakaipon na raw sila, babalik na raw sila ng Pilipinas.

Magpapatayo ng sariling bahay at magtatayo ng maliit na negosyo.

Hindi nagsasalita ang babae. Ang iniisip niya, kung paano haharap sa asawang si Jude matapos ang nagawang kataksilan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply