KAPRITSO NG LAMAN (Ika-27 na labas)

HINDI maintindihan ni Sally kung bakit bigla siyang kinabahan dahil mauunang umuwi sa kanya sa Pilipinas si Tina.

“Hindi maiiwasan na magkita kami ng asawa mong si Jude. Ano ang sasabihin ko sa kanya?” tanong ng kaibigan.

“Tungkol sa trabaho ko, puwede kang magkuwento. Pero huwag mong sasabihin kahit kanino ang mga ginagawa natin dito sa Taipei,” takot na pakiusap ni Sally sa kaibigan.

“Ano ka ba? Bakit ko naman ipagkakalat ay pareho lang naman tayo ng ginawa rito?” nakangiting sagot ni Tina.

“Wala pa akong sahod kaya wala pa akong maipadadala kay Jude,” maya-maya’y malungkot na sabi ni Sally.

“Kung gusto mo, bibigyan ko siya ng three hundred dollars. Pero ipadadala mo sa akin ang bayad,” kondisyon ni Tina.

“P-Puwede? Sige! Pagsahod ko, ipadadala ko kaagad sa iyo ang bayad!” sabi ni Sally.

Ganun ang kanilang napagkasunduan.

Eksaktong natatapos ang kanilang halo-halo, siya namang pagdating ni Jason.

Umorder siya ng ice cream at nakitsika sa kanila habang kumakain.

“Babalik ka pa ba rito?” tanong ni Jason kay Tina nang malamang pauwi na ito ng Pilipinas.

“Depende!” sagot ng babae.

“Paanong depende?”

“Kung papayagan pa ako ng mister ko na bumalik dito!”

“Paano na ang iiwan mo rito?” pabirong tanong ni Jason.

“Ang para sa Taiwan ay sa Taiwan lamang, ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas!” sagot naman ng babae.

Malakas na natawa ang binata.

Hindi nagtagal at nagkayayaan na silang umuwi.

Si Jason na ang nagbayad ng kanilang inorder.

“Thank you. Alagaan mo ang kaibigan ko rito. Ikaw na lang ang titingin sa kanya dahil pauwi na ako,” sabi ni Tina sa binata.

“Huwag kang mag-alala. Mamahalin ko ang kaibigan mo hindi bilang kasintahan lamang kundi parang tunay na asawa,” sagot naman ni Jason.

Panakaw na biglang nagkatinginan sina Sally at Tina.

Walang kamalay-malay ang binata na may asawa na rin ang kinakasama niya.

Nag-alok si Jason na ihahatid si Tina sa inuuwian pero tumanggi ito.

Maa-out of way daw sila.

Malayo kasi ang kanyang inuuwian.

Nagtaksi na lang siya papauwi.

Dumiretso naman ang dalawa sa condo na tinutuluyan.

Gabi, hindi dalawin ng antok si Sally.

Naiisip niya ang sitwasyon niya rito sa Taipei at naiisip din niya ang asawang si Jude.

Hindi niya maiwasang ma-guilty.

Nang marahan siyang kalabitin sa tagiliran ni Jason.

“Bakit ba?” tanong ni Sal-ly.

“Akala ko tulog ka na. Hindi pa pala!” sabi ng binata.

“E, ano naman kung hindi pa?”

“Hindi rin ako makatulog, e! Magpaantok muna tayo!”

“Ano’ng gagawin natin?” tanong ni Sally.

Inilapit ni Jason ang bibig sa taynga ng babae at mainit na bumulong.

“Seks!” sabi niya.

“Hmp! Pamuyat iyan!” ingos ni Sally.

“Masarap naman!” sagot ni Jason.

Hindi na nagsalita pa ang babae.

Hanggang sa maramdaman niya ang isang kamay ng binata na sumuot sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan.

Dumapo ang pangahas na kamay sa kanan niyang hita…

Humimas ito paakyat hanggang sa maramdaman ni Sally na nakadakot na ito sa kanyang kaumbukan.

“J-Jason, naman,” daing ni Sally nang maramdaman ang banayad nitong pagpiga-piga sa pinakaiingatang kayamanan.

Hindi sumagot ang lalaki…

Ang sumunod na naramdaman ni Sally, nahihila pababa ang kanyang panty.

Hindi siya tumutol …

Wala siyang nakikitang dahilan …

Gusto rin kasi niya ang ginagawa ng binata.

Nang maya-maya’y biglang sumuot ang ulo ni Jason sa kumot.

At naramdaman na lang nii Sally na nakasubsob na ito sa pagitan ng kanyang mga hita.

Naglilikot ang mga labi at dila. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply