KAPRITSO NG LAMAN (Ika-31 labas)

“TUTAL ay pareho lang tayong nalulungkot, may suhestiyon ako sa iyo para malibang tayo,” nakangiting sabi ni Jude kay Tina.

“A-Ano?” kinakabahang tanong ng babae.

“Lumabas tayo. Let’s paint the town red.”

Napangiti si Tina.

“Why not?” sagot niya.

Binilisan nila ang pag-aalmusal.

At habang nagliligpit ng pinagkainan, nagbibihis naman si Jude.

Kaya nang lumabas ng kuwarto ang lalaki, nakaporma na.

Hindi naiwasan ni Tina na lihim na humanga sa mister ng kaibigan.

Guwapo rin ito at macho.

Hindi magpapahuli sa kinakasama ngayon ni Sally sa Taipei na si Jason.

Ang tanging kapintasan lang ng lalaki, wala siyang tiyak na trabaho kaya walang siguradong kita.

Kasama siya sa mga tinatawag na miyembro ng PAL… (palamunin ng asawa).

Pero sa porma ni Jude, walang talo si Sally pagdating sa kama.

Tiyak na laging tirik ang mga mata nito sa sarap at laging binabaha ang bedsheet ng kama.

Saglit na nag-retouch ng make up si Tina bago sila umalis.

“Let’s go!” maya-maya’y aya niya kay Jude.

Lumabas na sila ng bahay.

Isinara at ini-lock ng lalaki ang pintuan.

“Ayokong sumakay sa motor mo,” sabi niya nang makitang nakatingin si Jude sa nakaparada niyang motorsiklo.

“Alam ko. Ayaw mong magulo ang buhok mo at maalikabukan,” nakangiting sabi ng lalaki.

“Hindi dahil doon. Ayokong may makakita sa atin na mga kakilala dahil baka kung ano ang isipin nila sa atin,” sagot ni Tina.

“Naiintindihan ko!” patango-tangong sabi ng lalaki.

Nagtaksi na lang sila.

“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ni Tina kay Jude habang sila ay nagbibiyahe.

Biglang napahawak sa batok ang lalaki.

“S-Saan nga ba?” nag-iisip niyang tanong.

“Ikaw ang nagyaya tapos ay hindi mo alam kung saan tayo pupunta,” ingos ni Tina.

Pilyong nilinga siya ni Jude.

“May alam akong pupuntahan kaya lang baka hindi ka sumama,” nakangiti niyang
sabi.

“Ano ka ba? Magkasama na nga tayo ngayon, e!” sagot ni Tina.

“S-Sa Sogo… punta tayo ng Sogo hotel!” sabi ni Jude.

Biglang namula ang magkabilang pisngi na pinandilatan ng babae ang lalaki.

“Loko ka, ha! Porke wala ang asawa mo, ako ngayon ang gusto mong pagdiskitahan!” sabi ni Tina.

“Joke lang! Sorry na!” mabilis namang bawi ng lalaki.

Hindi pinansin ni Tina ang lalaki.

Tumingin siya sa ibang direksiyon.

“Alam ko na kung saan tayo pupunta,” maya-maya’y sabi ni Jude.

“S-Saan?” baling ni Tina.

“Sa Luneta Park!”

“Ang cheap mo! Sa Luneta mo lang pala ako planong ipasyal!” irap ng babae.

“Pero pagdating doon, puwede tayong dumiretso sa Manila Ocean Park. Maganda roon.
Tapos kapag napagod tayo sa pamamasyal, lipat tayo sa Macapagal Avenue. Maraming seafoods stall. Bili tayo roon tapos ipaluto natin. Doon na tayo magdi-dinner,” sagot ni Jude.

“Puwede!” sagot ni Tina.

Hindi ideal na mamasyal ngayon sa Luneta dahil mainit pa.

Sa Manila Ocean Park pinadiretso ni Jude ang taksi.

Hinayaan ni Tina na ang lalaki ang magbayad ng fare nila sa sasakyan pero nang magbabayad na sila ng entrance sa Manila Ocean Park ay hindi na siya pumayag.

“Ako na ang bahala. ‘Yung padala sa iyo ni Sally, para sa badyet mo iyon. Ayokong maubos iyon sa pamamasyal natin,” sabi ni Tina.

“Nakakahiya naman sa iyo,” nakahawak sa batok na sagot ni Jude.

“Okey lang! Naiintindihan ko ang sitwasyon natin. At dahil ako ang may pera, sagot ko na muna ang gastos natin!” nakangiting sagot ng babae.  ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply