KAPRITSO NG LAMAN (Ika-32 labas)

ENTRANCE pa lang sa Manila Ocean Park, four hundred na kaagad per person ang bayad.

Pagdating sa loob, may iba pang babayaran para makita ang iba’t ibang panoorin gaya ng lahat ng lamang dagat na naglalanguyan sa giant acquarium.

Para maka-avail ng promo, nagbayad ng six hundred per person ang balikbayan.

“Ang bait mo, Tina,” sabi ni Jude sa babae habang papasok sila sa entrance ng Manila Ocean Park. “Sana’y girlfriend kita!” pabiro niyang dugtong.

“Gago!” nakatawang sagot naman ng babae.

Nakalimutan nila ang problema nang nasa loob na sila.

Nag-picture taking sila sa loob.

Dahil may dalang digital camera, nagpakuha ng maraming beses si Tina kay Jude.

Tapos ang lalaki naman ang kinunan niya.

At para may souvenir sila, nakiusap ang babae sa isang namamasyal na kunan sila ng larawan ng lalaki.

Ang tagal na pinagmasdan ni Jude ang kuha nila ni Tina.

“Papi-print ko iyan tapos ay bibigyan kita ng kopya,” sabi ng babae.

“Wala ka bang napapansin sa kuha nating dalawa?” baling sa kanya ng lalaki.

“Ano?” tanong ni Tina.

“Bagay na bagay tayong dalawa!” sagot ni Jude sabay tawa.

Inis na kinurot ng babae sa tagiliran ang lalaki.

“Huwag kang magbiro nang ganyan. Magagalit sa atin si Sally,” sabi ni Tina.

Pero sa maikli nilang pagsasama, naging close kaagad sila sa isa’t isa.

Nalaman na lang ng babae na nakahawak na siya sa braso ng lalaki habang sila ay naglalakad.

“Oy! Para na tayong totoong mag-sweetheart!” biro ni Jude.

“Ayaw mo?” pabiro ring tanong ni Tina.

“Gustong-gusto! Lalo na kung magiging totohanan!” sagot ng lalaki saka malakas na tumawa.

Hindi sumagot ang babae pero humigpit ang yakap niya sa braso ng lalaki.

Okey lang kung nakasayad na rito ang malusog niyang boobs.

Nagsawa rin sila sa pamamasyal.

Nagyaya na si Tina na kumain.

“Pumunta na tayo sa sinasabi mong Macapagal Avenue,” sabi ng babae.

Lumabas na sila ng Ocean Park at muling sumakay sa isang taksi.

Nagpahatid sila sa lugar na plano nilang puntahan.

Pagdating nila rito, pumili sila ng seafoods na gustong kainin sa mga nakahilerang stall tapos ay ipinaluto sa nakahanay din na mga maliliit na restoran.

May ilang minuto rin silang naghintay bago dumating ang ipinaluto nilang pagkain.

“Wow! Ang sarap!” palatak ni Jude habang palipat-lipat ang tingin sa mga umuusok na pagkaing nakahain sa mesa.

Iba ang sinabi ni Tina.

“Pagkatapos nating kumain, saan pa tayo pupunta? Parang nakakapagod na ang maglakad!” sabi ng babae.

Tiningnan ng lalaki si Tina.

“Sa Sogo!” seryoso niyang sabi.

Hindi naman makapaniwala si Jude sa isinagot ng babae.

“Bahala ka!” sabi ni Tina habang kumukutsara ng pagkain.

Walang imikan silang kumain.

Matapos silang kumain, saglit lang silang nagpahinga at umalis na.

Si Tina naman ang pumara ng taksi.

“Uuwi na ba tayo?” tanong sa kanya ni Jude.

“Akala ko ba, may pupuntahan pa tayo?” ganting tanong ng babae.

“Sa Sogo?” paniniguro ng lalaki.

“Bahala ka!” sagot naman ni Tina.

Dahil sa sinabi ng babae, inutusan ni Jude ang taxi driver.

Pero hindi sa Sogo siya nagpapahatid kundi sa pinakamalapit na otel o motel.

Ang bilis ng sumunod na mga pangyayari …

Kamukat-mukat ng dalawa, nasa loob na sila ng isang malinis, malamig at mabangong silid.

Saka pa lang sila parang natauhan.

“Bakit dito tayo nagpunta?” tanong ni Tina kay Jude.

“Ewan ko. Pero pinagkasunduan natin ang pagpunta rito, hindi ba?” sagot ng lalaki.

Hindi kumibo ang babae.

Anyong nag-iisip.

“Narito na tayo, ituloy na lang natin ito,” sabi ni Jude saka tiningnan si Tina.

Tiningnan din siya ng babae …

Nag-usap ang kanilang mga mata. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply