KAPRITSO NG LAMAN (Ika-35 na labas)

MAGKAIBA ng bansang kinaroroonan at panahon pero iisa lang ang ginawa ng parehang Jason at Sally gayundin sina Jude at Tina.

Seks!

Halos magkasabay din lang silang nakaraos at nakatulog.

Ang sarap ng feeling.

Solb na solb.

Pero makaraang magpahinga, bumangon na sina Jude at Tina.

Pagabi na kaya uuwi na sila. Baka hinahanap na ang babae sa kanilang bahay.

Makaraang magbihis ay lumabas na ng otel ang dalawa.

Sa labas, tumawag ng taxi si Jude at nagpahatid papauwi sa kanilang lugar.

Idinaan ng lalaki sa inuuwian si Tina bago magpahatid sa taxi driver sa inuuwiang bahay.

Sa konting oras na namagitan, buhay na ang ugnayan ng dalawa.

“Magtawagan at mag-text na lang tayo,” sabi ni Jude sa babae.

“Sige! At basta’t may time ako, pupuntahan kita sa inyo. Sa inyo naman natin ulitin ang ating ginawa,” sagot naman ni Tina.

Nag-okey sign ang lalaki at inutusan na ang taxi driver para umalis na sila.

Isinandal ni Jude ang likuran sa malambot na upuan.

Ipinikit ang mga mata pero gising ang isipan.

Ang namagitan sa kanila ng bestfriend ng asawang si Sally ang laman ng isipan.

Maya-maya’y nakangiti siyang napailing-iling …

“Okay kapartner sa kama si Tina. Sana ay hindi na siya umalis para meron akong tagatanggal ng lungkot habang hindi pa nagbabalikbayan si Sally,” sabi niya sa sarili.

Pero biglang nawala ang ngiti niya sa mga labi nang maisip ang asawa.

“Ano kaya ang iisipin at gagawin ni Sally oras na malamang may relasyon kami ng itinuturing niyang bestfriend?” tanong niya sa sarili.

Sa mga sandaling iyon, gising na ang asawa.

Kung pagabi sa Pilipinas, paumaga naman sa bansang kinaroroonan ng mga ito.

Tulog pa si Jason pero gumising na si Sally para magluto ng almusal.

Malungkot na napailing-iling ang babae dahil sa naisip.

Noong nasa Pilipinas siya, maaga rin siyang gumigising para ipaghanda ng almusal ang asawang si Jude.

Ngayon, ibang lalaki na ang kanyang ipinagluluto at pinaglilingkuran.

Hindi ang asawa kundi ang kalaro lang sa kama.

Ano kaya ang iisipin at gagawin ng asawa oras na matuklasang naglalaro siya ng apoy sa bansang kinaroroonan?

Malungkot na napailing-iling ang babae …

Ang daling lumusong sa balon ng kasalanan pero ang hirap umahon.

Samantala, nakauwi na si Tina. Hindi na siya naghapunan …

Wala siyang gana …

Parang masakit ang katawan na nabugbog sa romansa ni Jude.

Ang gusto niya ngayon ay magpahinga kaya matapos magpalit ng damit pantulog ay nahiga na siya sa kama.

Pero hindi siya dalawin ng antok. Laman ng kanyang isipan si Jude …

Hindi niya naiwasang mapangiti nang maisip ang kanilang sexcapades …

Magaling ang lalaki …

Ideal na kapartner sa kama.

Kaya kahit iniwan siya ng asawa, hindi siya malulungkot dahil may magpapaligaya sa kanya.

Pero biglang napawi ang ngiti niya sa mga labi nang biglang maisip ang kaibigang si Sally.

Ano kaya ang gagawin nito oras na malamang dito sa Pilipinas ay naglalaro sila ng apoy ni Jude?

Tiyak na magagalit ito pero hindi siya magagawang kuwestiyunin sa harap ng asawa.

Ganito rin naman kasi ang ginagawa ni Sally sa Taipei.

Nagpapadyug sa iba para hindi madale ng homesick.

Pareho lang sila.

Dasal niya, sana’y madebelop na sila nang husto ni Jason sa isa’t isa at hindi na maisipan pang bumalik kay Jude.

Gawin na nilang permanente ang kanilang relasyon para sa kanya na lang ang asawa ni Sally. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply