KAPRITSO NG LAMAN (Ika-36 na labas)

SA pagpasok ni Jude sa buhay ni Tina, wala nang maramdamang panghihinayang ang babae kahit sumama sa ibang babae ang asawang si Darrel.

May bago nang magpupuno ng kanyang pangangailangan sa tuwing susumpungin siya ng bogli.

Mahimbing ang naging tulog ni Tina nang gabing iyon.

Panatag na panatag ang kanyang kalooban.

Kinabukasan, kagigising lang niya nang mag-ring ang telepono niya sa ibaba ng bahay.

Ang ina ang nakasagot …

Nang malamang si Tina ang kailangan ng caller, kaagad niyang tinawag ang anak.

Overseas call ang tawag…

Si Sally ang nasa kabilang linya …

Nangungumusta ang kaibigan.

Nagtatanong kung babalik pa siya sa Taipei.

“Hindi pa sigurado. Sarado na kasi ang kontrata ko riyan. Kailangang mag-apply ako ng panibago,” sagot ni Tina.

“Kumusta na si Jude? Nagkita na ba kayo ng asawa ko?” tanong pa ni Sally.

“Kahapon. Nagpunta ako sa house ninyo. Dinalhan ko siya ng konting pasalubong at ibinigay ko sa kanya ang usapan nating three hundred dol-lars,” sabi ni Tina.

“Salamat. Kapag sumahod ako, ipadadala ko kaagad sa iyo ang bayad. Kumusta na siya?”

“Nami-miss ka na raw niya. Ang hirap daw pala na wala ka rito. Wala raw siyang madyug!” pabirong sagot ni Tina.

Hindi nagsalita si Sally.

“Mas okey pa ang kalagayan mo kaysa kanya. May tagadilig ka anytime na mangangailangan ka ng seks,” dugtong ng una.

“Please, Tina. Sikreto natin ito. Ayokong makarating sa asawa ko ang ginagawa ko rito sa Taipei,” biglang pakiusap ni Sally.

“Oo naman! Parang ako pa nga ang nagturo sa iyo na gawin mo iyan.”

“Kumusta na kayo ng mister mo?” pag-iiba ng una ng topic.

“Hopeless na ang relasyon namin ni Darrel. Ipinagpalit na niya ako sa iba. May kinakasama na siyang ibang ba-bae ngayon. Kaya papalitan ko na rin siya!” sagot ni Tina.

“Bakit nagkaganun si Darrel? Akala ko ba’y tapat siya sa iyo?” tanong ni Sally.

“Tama ka! Pero hindi naman ako naging matapat sa kanya. Kumbaga’y tumabla lang siya at iyon ang karma ko sa buhay,” sagot ni Tina.

Muli ay hindi nagsalita ang kaibigan.

“Posible ka ring makarma sa ginagawa mo ngayon, Sally,” pabirong dugtong ng una.

“Please, Tina… I don’t want to hear that,” biglang sabi ng kausap.

Tumawa ang una.

“Kailangang maging handa ka sa reyalidad ng buhay. May katapat na kabayaran ang bawat kasalanan,” aniya.

Sa puntong ito na natapos ang kanilang pag-uusap.

Kabababa lang ni Sally sa telepono nang lumabas sa banyo si Jason.

Nagtaka siya nang makitang nag-uulap ang mukha ng kasuyo.

“Something wrong? Ano ba ang sabi ng kausap mo sa phone at parang bigla kang nalungkot?” tanong ng binata.

Naluluhang umiling si Sally.

“Alam kong naglilihim ka sa akin. Pero paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo?” tanong ni Jason.

Tuluyang nalaglag ang luha sa mga mata ng babae.

“May kasalanan ako sa iyo, Jason at hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa iyo,” sabi ni Sally.

Naupo ang binata sa kanyang tabi …

Ngumiti ….

“Mahal kita, Sally. Sinabi ko naman sa iyo, kahit ano pa ang iyong nakaraan ay wala akong pakialam. Ang im-portante sa akin ay ang ating kasalukuyan. Tayong dalawa na hanggang sa ating pagtanda at hanggang sa dumating ang pagbawi ng Diyos sa hiram nating buhay,” sabi ng la-laki saka niyakap ang babae.

Lumakas ang pagbalong ng luha sa mga mata ni Sally.

Iba ang iniisip ni Jason sa gusto niyang sabihin …

At hindi pa naman ganap ang lakas ng kanyang loob na sabihin sa binata na hindi
na siya malaya.

May asawa na naghihintay sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Nakakabigla ang sumunod na sinabi ni Jason.

“Para maniwala ka, magpakasal na tayo kahit ngayon, Sally,” sabi ng binata. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply