KAPRITSO NG LAMAN (Ika-42 na labas)

NABUKO na ni Jason ang kanyang sikreto, hindi malaman ni Sally kung paano magpapaliwanag.

Umiyak na lang ang babae.

Napaiyak na rin ang binata.

Ganito siguro talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao, sa halip na magalit matapos matuklasan ang kanyang pagloloko, pag-iyak na lang ang gagawin.

“I’m sorry kung naglihim ako sa iyo, Jason. Pero hindi panloloko iyon. Minahal talaga kita pero huli na dahil may asawa na ako,” luhaang sabi ni Sally sa lalaki.

Lalo namang lumakas ang pagbalong ng luha sa mga mata ng binata.

“Hindi ako nagagalit sa iyo,” sagot ni Jason. “Nalulungkot lang ako dahil pag natapos na ang kontrata mo rito, ibig sabihin ay tapos na rin sa atin ang lahat.”

Biglang niyakap ng babae ang lalaki.

“Matagal pa iyon. Marami pa ang puwedeng mangyari. At habang hindi pa natatapos ang kontrata ko, samantalahin natin ang mga pagkakataon. Magpakaligaya tayo,” sabi ni Sally.

Niyakap na rin ng binata ang babae.

“Ano pa nga ba ang magagawa natin?” sabi ng lalaki.

Maya-maya’y naglapat ang kanilang mga labi.

Mas matindi ang naging halikan ng dalawa …

Mas mainit …

Kulang lang ay magkatanggalan sila ng nguso sa tindi ng kanilang lips to lips.

Maya-maya lang at nagsimulang hubaran ni Jason si Sally …

Hinubaran din ng babae ang lalaki …

Saglit lang at pareho na silang walang kasaplot-saplot sa katawan.

At muli silang nagsalo sa kaligayahan …

Wala nang dapat itago si Sally at wala na rin dapat pang tuklasin si Jason, mas naging maapoy ang kanilang pagtatalik …

Mistula silang mga tsunami na nagsalpukan sa gitna ng Pacific Ocean.

Nagpagulong-gulong sila sa kama …

Parang malaking turnilyo ang alaga ni Jason na nakapasok sa lungga ni Sally kaya hindi sila magkahiwalay nang magpagulong-gulong sila sa kama.

Hanggang sa mahulog sila sa carpeted na sahig.

Dito nila ipinagpatuloy ang mainit na kiskisan ng kanilang mga kaselanan.

At dito naman sila nagkalat ng masaganang nektar ng kaligayahan.

Parang naging mas magana sila ngayon sa kanilang ginagawa …

Kung ilang ulit na kasi silang nilabasan pero ayaw pa rin nilang tumigil …

Parang hindi nauubusan ng lakas …

Walang pagkasawa.

Samantala, nasa bahay si Jude ng mga sandaling iyon.

Walang magawa kaya para malibang ay nagbuhat siya ng weights.

Panay ang pagpapaganda ng katawan pero wala namang pinaghahandaan.

Nasa gayun siyang ayos nang biglang bumungad si Tina.

May dalang pagkain.

Tumigil ang lalaki sa ginagawa at hinarap ang dumating na panauhin.

“Nagluto ako ng paborito mong ulam,” masayang sabi ni Tina. “Baka gusto mo munang kumain?”

Naupo si Jude sa tabi ng babae.

Siniksik ito sa kinauupuan.

“Talagang gusto kong kumain pero hindi ang food na dala mo ang gusto kong kainin. Mamaya na iyan kapag napagod ako,” nakangisi at makahulugan niyang sabi.

Nakangiting binalingan siya ng babae.

“Naligo muna ako bago pumunta rito. Naghanda na ako kasi naiisip ko na baka gutom ka pagdating ko, mabuti na ‘yung naka-ready ako!” palabang sagot naman ni Tina.

Biglang tumayo si Jude at hinawakan sa kamay ang babae.

“Doon na tayo sa kuwarto ko. Doon mo ihain ang paborito kong kainin” atat namang sagot ng lalaki.

Biglang palis ni Tina sa kamay ni Jude.

“Excuse me, ha! Bagong paligo ako at mabangong-mabango pero ikaw ay nanglalagkit sa pawis. Maligo ka muna bago kumain,” sabi ng babae.

“Samahan mo ako sa banyo. Paliguan mo ako,” parang batang sabi ni Jude.

“Ang arte mo naman. Pero sige na nga!” sabi ng babae at sumama sa lalaki patungo sa banyo.

Nang maghubad si Jude, napilitang maghubad na rin si Tina kundi’y mababasa siya.

Natambad sa paningin ng lalaki na diyeta sa seks ang taglay na alindog ng bestfriend ng kanyang asawa.

Malakas na napatili si Tina nang umigkas ang alaga ni Jude at biglang bumandera sa kanyang harapan. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply