KAPRITSO NG LAMAN (Ika-44 na labas)

HINDI nasagot ni Jason ang sariling tanong.

Natulog na lang siya na nakayakap kay Sally.

Palibhasa’y napagod at wala silang pasok kinabukasan, napasarap ang tulog ng babae.

Nabugbog siya sa romansa ni Jason kaya mabigat ang kanyang katawan.

Naunang bumangon ang binata …

Hindi na niya ginising si Sally.

Siya na ang nagluto ng almusal.

Nang makatapos magluto, saka niya ginising ang babae.

Tinatamad pa itong bumangon kaya binuhat ng binata.

“A-Ano ba? Ang bigat-bigat ko. Ibaba mo nga ako!” reklamo ng babae.

“Okey lang! Reyna kasi kita at ako ay alipin mo lang!” tumatawang sagot naman ni Jason.

Ibinaba ng binata ang babae sa mismong harapan ng pagkain.

Asikasong-asikaso ng lalaki si Sally.

Anoman ang pagpapahalaga na naramdaman niya sa piling ng kanyang asawa, gusto niyang higitan.

Hangad niyang sa kanya na maukol ang atensiyon ng babae para hindi na maisipang bumalik ng Pilipinas at balikan pa ang asawang si Jude.

Lugod na lugod naman si Sally.

Parang gusto niyang magsisi na nag-asawa siya kaagad at hindi nahintay ang pagdating sa buhay niya ng binata.

Kung nagkagayun, hindi sana siya napasubong magkapakasal kay Jude.

Wala sana siyang problema ngayon.

Pero naisip naman niyang lahat ng kaganapan sa kanyang buhay ay guhit ng kanyang kapalaran at hindi niya puwedeng baguhin.

“A penny for your thought?” tanong ni Jason kay Sally nang mapuna ang pananahimik ng babae.

Marahang umiling ang babae.

“W-Wala! Huwag mo akong intindihin! May naisip lang ako!” sagot naman ni Sally.

“May naisip akong gawin tutal ay wala naman tayong pasok,” nakangiting sabi ni Jason.

“Ano?”

“Mamasyal tayo. Let’s paint the town red!”

“S-Saan?” excited na tanong ni Sally.

“Ipapasyal kita sa ‘Yang-mingyan National Park.” Magandang pasyalan iyon kaya tiyak na malilibang ka roon,” masayang sabi ni Jason.

“Sige! Naiinip nga ako rito. Baka kung ano na naman ang maisipan mong gawin kapag tumengga tayo rito maghapon,” nakangiting sagot ni Sally.

“At pagkatapos nating mamasyal, kakain tayo sa isa sa sikat na kainan dito sa Taipe,” patuloy ng binata.

“Saan?”

“Sa ‘Kiki Restaurant!”

Natawa si Sally.

“Ibang klase ka talaga! Kapangalan pa ng paborito mong kainin ang pangalan ng restoran na gusto mong kainan natin,” sabi ng babae.

Natawa rin si Jason.

“Nagkataon lang iyon. Ano’ng magagawa ko kung magkapangalan sila?” halos masamid sa pagtawa na sagot ng binata.

Mahabang sandali silang nagkatawanan bago itinuloy ang pagkain.

Nang matapos silang kumain, kaagad na iniligpit ng babae ang kanilang pinagkainan.

Umakyat naman sa itaas si Jason.

Mauuna na siyang maligo para paghandaan ang lakad nila ng kasuyo.

Kaya nang lumabas siya ng banyo, si Sally naman ang pumasok para maligo.

Makalipas ang mahigit isang oras, pareho na silang nakagayak para mamasyal.

Lumabas na sila ng condo unit na tinutuluyan.

Nagtungo sa carpark at sumakay sa kotse ng binata.

Ilang saglit pa at nagbibiyahe na sila patungo sa National Park na balak nilang puntahan.

Napakagandang lugar nito na nakatayo sa elevated na lugar kung saan naka-background ang mountain ranges sa Taiwan …

Napakaganda ng tanawin. Malamig at napakagandang mag-hiking …

Kaya nabansagan ang lugar na ‘Forest in the City.’

Tuwang-tuwa si Sally nang pumasok sila ni Jason sa Azaleas garden kung saan tila balag ng iba’t ibang uri ng bulaklak ang kanilang dinaraanan.

Nagkuhanan sila ng picture ni Jason sa harapan ng statue ni Wang Yang Ming.

Si Wang ay isang dating heneral ng hukbong sandatahan ng Taiwan at leading figure ng Neo-Confucian School of Mind, itinayo ni Lu Jiuyu-an Southern Song sa naunang mga panahon. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply