Karagdagang bonus ng empleyado, gagawing tax-free

UMUUSAD na sa Senado ang panukalang batas para maging tax-free ang karagdagang bonus ng mga empleyado.

Sakop ng panukala ang mga obrero mapa-gobyerno man o mapa-pribadong sektor.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on ways and means, isinalang ni Sen. Ralph Recto, chairman ng komite, ang Senate Bill Nos. 2739 at 2879 na parehong naglalayong itaas sa P60,000 hanggang P72,000 ang tax exemption ng bonus mula sa kasalukuyang P30,000.

Ang naturang hakbang ay bilang tugon na rin sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dahil dito ay nawawalan ng silbi ang nakukuhang 13th month pay at iba pang uri ng bonus ng mga empleyado tuwing Kapaskuhan.

Sa kasalukuyan, hanggang P30, 000 lamang ang tax exemption sa bonus dahil kapag lumampas sa ganitong halaga ang nakuhang bonus ng empleyado ay binubuwisan na ito.

Ipinaliwanag ni Recto na kailangan nang itaas ang halaga ng tax exemption sa bonus dahil na rin sa pagbabago ng price level ng produkto at serbisyong binabayaran ng mga consumer. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply