Kasal ni Aleli kay Iggy Arroyo walang bisa

LUMALABAS na walang bisa ang kasal ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo kay Aleli Arroyo ayon na rin sa testimonya ng civil registrar ng Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Ramon Matabang, hindi naka-rehistro sa tanggapan ng lungsod Quezon ang annulment ng kasal ni Arroyo sa una pa nitong asawa, bago nagpakasal kay Aleli dahilan para maituring na “null and void” ang kasal ng dalawa.

Kinontra naman ito ng panig ni Aleli at sinabing imposible ang pahayag ni Matabang dahil nakakuha sila ng valid marriage license noong 1994.

Nagsampa ng kaso si Aleli para ipaglaban kung sino sa kanila ni Grace Ibuna, huling kinasama ni Arroyo ang higit na may karapatan sa labi ng mambabatas na sa London na binawian ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply