Kaso ng manugang ni Daza balik-piskalya

INUTOS ngayon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang pagsasagawa ng reinvestigation sa kontrobersiyal na pamamaslang sa dating live-in partner ni ex-Representative Nanette Castelo-Daza kamakailan.

Sa 4 pahinang desisyon, inatasan ni QCRTC Branch 218 Judge Luis Zenon Maceren na muling ibalik sa piskalya ang kaso ng pagpatay kay Noel Orate Sr., at muling isagawa ang imbestigasyon matapos mabaril ng suspek na si Romeo Allan Robes, board member ng Bulacan, manugang naman ni dating Rep. Castelo-Daza ang biktima.

Binigyan din ng hukuman si trial prosecutor Leonardo Raul Gonzales ng 30 araw upang magsagawa ng reinvestigation sa kaso.

Ang nasabing kautusan ay inaprubahan ni Judge Maceren nitong Lunes, Pebrero 27 ngunit kanina lamang inilabas sa mamamahayag.

Nauna nang idinahilan ng abugado ng pamilya ng napatay na si Noel Orate, Sr. na “maraming kulang” sa mga ebidensiyang isinumite ng pulisya sa prosecutors’ office kung kaya ibinaba sa homicide ang kaso.

Kaugnay nito, hinamon din ng pamilya Orate si Daza na “lumantad na sa publiko at magsalita sa kaso” upang lumabas ang katotohanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply