‘Midnight appointee’ case ipinaubaya sa CA

IPINAUBAYA na ng Korte Surpema sa Court of Appeals ang usapin sa paglutas ng mga kaso ng sinasabing “midnight appointment” sa administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa resolusyon ng Supreme Court en ban, binigyan ng kapangyarihan ang appellate court para litisin ang mga kaso na inihain ng mga opisyal na sinibak ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na sinasabing iligal na itinalaga sa puwesto ni GMA.

Inaatasan din ng SC ang CA na tanggapin ang mga ebidensya na may kinalaman sa nasabing usapin.

Kabilang sa mga kaso na inilipat ng SC sa CA na kumukuwestiyon sa Executive Order No. 2 ni Pangulong Aquino ay ang kaso nina SBMA Board Member Eddie Tamondong, Solicitor Cheloy Garafil, Office of Muslim Affairschief Bai Omera Dianalan-Lucman, Philippine National Railways Gen. Manager Manuel Andal, Quezon City Prosecutor Dindo Venturanza at Nayong Pilipino Head Atty. Charito Planas.

Giit ng mga nasabing opisyal na nilalabag ng EO 2 o ang kautusan na nagpapawalang-bisa sa “midnight appointment” ng dating administrasyon ang probisyon sa Article 9 ng Konstitusyon  dahil napagkakaitan nito ng security of tenure ang mga civil service employee.

Pumalag ang mga sinasabing “midnight appointee” sa kabiguan ni Pangulong Aquino na pagkalooban sila ng due process bago sila pinagsisibak sa tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply