Kaso vs killer ng manugang ni Daza ibinaba sa homicide

MULA sa kasong murder na isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Sabado (Pebrero 11) laban sa manugang ni dating Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza, na pumatay sa boyfriend ng dating mambabatas ay ibinaba ito ngayon sa kasong homicide.

Nabatid na kasong homicide na lamang ang inirekomenda ni State Prosecutor Sullivan Usman ng Quezon City Hall of Justice laban sa suspek na si Allan Robes, 38, provincial board member ng Bulacan town at mister ni QC Councilor Jesicca Castelo Daza.

Magugunitang nagkaroon ng komosyon sa bahay ng mga Daza nitong nakaraang Biyernes ng gabi dahil sa away nina Robes at ni Noel Orate, 55, isang manager United Laboratories at 12 taong nobyo ni Nanette Castelo Daza.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, limang tama ng bala ang tinamo ni Orate na siyang naging sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

Bitin naman ang mga kaanak ni Orate sa homicide case dahil ibig nilang gawing murder ang reklamo laban kay Robes dahil ayon sa kanila ay plinano ang pagptay sa kanilang mahal sa buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply