Kasong estafa isasampa vs Prudential Life

PINAG-AARALAN na ng Insurance Commission kung maaaring kasuhan ng large scale estafa ang may-ari ng Prudential Life Plans.

Posible umanong nagkaroon ng iligal na paglilipat ng pondo ang kumpanya na naging mitsa ng pagkakaroon nila ng problemang pinansyal.

Una nang iniutos ng Insurance Commission ang tigil bayad sa mga nagki-claim o para mapangalagaan ang natitirang pondo ng Prudential Life.

Humihingi naman ng pang-unawa ang komisyon sa may 320,000 plan holders ng Prudential Life.

Kaugnay nito, sinabi ni Insurance Commission Spokesman Atty. Luke John Apatan na magsasagawa sila ng imbestigayson upang malaman kung posibleng nagamit sa iba ang pera na dapat sana ay naipasok sa trust fund.

Kinumpirma din ni Apatan na may mangyayaring consultation ang Insurance Commission sa March 2 at March 13 kasabay ng paglalatag sa mga plan holder ng mga opsyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply