Pagkakaabsuwelto ni GMA sa plunder case ayos lang sa Malakanyang

WALANG magagawa ang Malakanyang sa desisyon ng Ombudsman na ibasura ang pluder case na isinampa laban kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa sinasabing bentahan ng 54.5-hectare property na malapit sa Iloilo International Airport.

Bukod kay GMA, absuwelto rin sa kaso sina dating Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, dating Executive Sec. Eduardo Ermita, dating Finance Sec. Margarito Teves, John Phillip Sevilla at Andrew Tan ng Megaworld Corp.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, desisyon iyon ng Ombudsman base sa mga ebidensyang iniharap sa kanila at hindi dismayado ang Malakanyang kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sumulat na desisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply