Katotohanan pinipigil ni Justice Cuevas

ANG demanda kay Chief Justice Renato Corona ay ang bintang na nilabag niya ang Saligang Batas nang hindi niya ibinunyag ang kanyang totoong statement of assets, liabilities and net- worth sa public.

Pero ano ang ginagawa ng mga “libreng” abogado ni Corona? Pinigilan nilang maisapubliko ang SALN ni Corona.

Nang ma-expose na sa impeachment court ang SALN ni Corona, pinigil naman ni ex-Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas na mausisa kung puro kasinungalingan lamang ang laman ng SALN ni chief justice.

Nasaan ba ang katotohanan sa mga bintang laban kay Corona? Ayaw malaman ni Cuevas ang katotohanan kaya panay ang objection niya kay lead Prosecutor-Congressman Niel Tupas Jr.

At ngayon, si Tupas ang pinagbibintangang may tagong yaman dahil nakabili siya ng isang mansyon na worth P50 million daw.

Agad namang itinanggi ito ni Tupas. Ang halaga raw ng bahay ay P14 milyon lang.

Bakit ba napunta kay Tupas ang usapang ito?

Hindi ba ang nililitis ngayon ay si Corona?

Bakit ang gustong litisin ng defense panel sa pamumuno ni Cuevas ay ang mga congressman?

Nililigaw yata tayo ni Cuevas na isang professor sa college of law.

Ano ba ang mahalaga, ang katotohanan o ang technicalities upang mapagtakpan at maitago ang katotohanan?

Tungkol  naman sa  bintang  na mahinang  abogado si Tupas at mga kasamahan niya sa prosecution, dapat magtanong muna sila sa Integated Bar of the Philippines para malaman nila na kabilang sa Top 20 sa Bar exams ang kongresista mula sa Iloilo.

Pangalawa, a matter of opinion yan.

Hindi dahil sina Tupas ay hindi mahusay na abogado sa paningin ng depensa ay maaabsuwelto na si Corona. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply