Kaugnayan ni Tupas kay Tiongson itinanggi

MULING isinalang sa impeachment proceedings ang  branch manager ng PS Bank Katipunan, Quezon City makaraang hilinging ni Senator-judge Jinggoy Estrada.

Binusisi ni Estrada ang kaugnayan ni PS Bank Katipunan branch manager Anabelle Tiongson sa pamilya Tupas.

Duda si Estrada sa patuloy na pagtanggi ng witness na kakilala niya si lead prosecutor Cong. Neil Tupas o kahit sino sa angkan ng kongresista.

“I am not acquinted with any of them,” pahayag ng testigo.

Hindi naman kumbinsido si Estrada na hindi kilala ng witness sinuman sa angkan ni Tupas lalo at umamin ang manager na siya ay taga-Iloilo.

Bukod pa sa pag-amin ng witness na ang pinsan nito na si Roberto Buenaflor ay bise-gobernador sa Iloilo habang gobernador naman noon ang ama ni Cong. Tupas na si Neil Tupas Sr.

Bukod pa sa aniya’y naging running mate pa ng pinsan ng testigo ang kapatid naman ng kongresista na si Raul “Buboy” Tupas.

Sa kabila ng paggisa ni Estrada,  nanindigan si Tiongson na wala siyang personal na kakilala sinuman sa angkan ng Tupas.

Nais lamang umanong malaman ang kredibilidad ng testigo sa kanyang naging testimonya.

Samantala, nagpaliwanag naman si Tupas sa pagsasabing una niyang nakita ang witness nang humarap sa impeachment trial at wala siyang kaugnayan o hindi niya personal na kakilala ang testigo.

“To be fair to the members of the family, im not acquinted with the witness,” paglilinaw ni Tupas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply