Kaye Abad dahilan ng break-up nina Jason at Melai

KAHIT itinanggi ng aktres na si Kaye Abad ang alegasyong may kinalaman siya sa paghihiwalay nina Jason Francisco at komedyanteng si Melai Cantiveros ay siya pa rin ang nadidiin sa usapin.

Nauna kasing inamin ni Melai na halos isang linggo na ang nakakaraan mula nang huli silang magkausap ng nobyo pero tumangging magbigay ng karagdagang detalye.

Ayon naman Kaye, hindi totoong hiwalay na ang dalawa dahil parehong malapit sa kanya ang nasabing showbiz couple.

Super deny naman si Jason na hiwalay na sila ni Melai at iginiit na kaibigan lamang niya ang co-star na si Abad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply