Kelot binaril sa batok, patay

PATAY ang isang lalaki matapos itong barilin ng malapitan ng ‘di nakilalang suspek habang naglalakad kasama ang kanyang asawa sa Pandacan, Maynila kagabi (Pebrero 2).

Kinilala ni P/Supt.Joey de Ocampo, hepe ng  Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Orlando Jalego, residente sa nasabing lugar, at idineklarang dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang batok.

Sa report ng pulisya,dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Labores st. sa Pandacan kung saan naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang asawa na si Yvette Jalego upang bumili ng barbeque.

Hinala ni Yvette na may kinalaman ang  isang lalaki na huling nakausap ng kanyang mister bago maganap ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, bagamat matao sa lugar nang maganap ang pamamaril ay wala namang makapagsabi kung sino ang salarin sa insidente.

Maging si Yvette  ay hindi  rin nakita ang suspek na bumaril sa kanyang asawa dahil sa bilis ng pangyayari.

Patuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa posibleng sangkot sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply