Kelot ipiniit upang ‘di makapag-suicide, nagpakamatay

ISANG lalaki ang nagpatiwakal sa loob ng isang kulungan sa Iloilo kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Casalmer, 44-anyos at taga-Barangay Poblacion Ilaya ng nasabing bayan.

Ang biktima ay nagbigti gamit ang kumot na dinala ng kanyang nanay.

Napag-alaman na pansamantalang ikinulong ang biktima “for safe keeping” dahil sa suicidal tendencies nito.

Mismong magulang ng biktima ang nagpasya na ipakulong ang biktima para hindi magawang magsucide matapos ang ilang pagtatangka.

Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang biktima kamakailan sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa pamilya ni Casalmer, dumaranas ang biktima ng nervous breakdown kaya naisip nilang mas ligtas ito sa loob ng kulunangan upang mapigilan ito sakaling maisip na muiling magpakamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply