Kelot kalaboso sa pagpupuslit ng bra

KALABOSO ang isang 24-anyos na lalaki matapos itong mahuli sa aktong ipinupuslit ang may 76 pirasong bra habang papalabas sa isang boutique sa isang kilalang mall sa Sta Cruz, Maynila kagabi (Pebrero 20).

Kinilala ni Supt. James Afala, Hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 3 (Sta. Cruz) ang suspek na si Francis Salazar, may-asawa, walang trabaho at naninirahan sa 126 Luwalhati St., Tondo, Maynila.

Base sa report ni Sr. Insp. Danilo Salonga, Chief investigator ng MPD-Station 3, dakong 9:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng Super Bench boutique sa SM San Lazaro.

Napansin ng guwardiya ng boutique na si Jelyn Victoria ang kahina-hinalang ikinikilos ng suspek habang paikot-ikot sa tindahan.

Nang papalabas na ng boutique ang suspek ay hinarang ito ng guwardiya at ininspeksiyon ang kanyang bag at nakita ang mga bra dahilan para inimbitahan ito sa kanilang security office kung saan narekober ang may 76 piraso bra na nagkakahalaga ng mahigit P26,061.

Sinampahan na ng kasong Theft (shoplifting) ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Station 3.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply