kelot na bumibili ng ulam, tigok sa boga

TULOY sa imbestigasyon ang Pasay PNP sa pamamaril sa isang lalaki habang bumibili ng ulam sa isang karinderya sa M. dela Cruz kanto ng Matibay, kaninang 5:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Pasay City General hospital na si Joseph Amores del Rosario, 47.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibili ng ulam ang biktima sa isang karinderya sa lugar nang lapitan ng hindi pa nakilalang suspek saka pinaputukan sa ulo gamit ang kalibre .45 .

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang salarin.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply