Kelot na lasing nahulog sa 5th floor, dedo

HALOS magkalasug-lasog ang katawan ng isang 37-anyos na lalaking lasing matapos itong mahulog sa ikalimang palapag ng gusali sa Tondo, Maynila kagabi (Pebrero 1) .

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Joselito Garcia, basurero at residente ng Building 22 Permanent House Balut Tondo, Maynila dahil sa matinding pinsala na tinamo sa mukha at pagkabali ng kanyang magkabilang kamay.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa nabanggit na gusali.

Nauna rito, kainuman umano ng biktima ang kanyang kapatid na si Roger Lumpero, 31 habang naglalaro ang huli ng pool at nanonood naman ang una.

Nang maupo ang biktima sa biranda (terrace) ng nasabaing gusali ay nawalan ito ng balanse na naging dahilan ng kanyang pagkahulog at agarang kamatayan.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Cruz Funeral Home upang isalang sa kanyang awtopsiya at safekeeping.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply