Kelot nilunod ang sarili sa isang drum na tubig

PATAY na nang madiskubre ang 47-anyos na lalaki na sinasabing nilunod ang sarili sa pamamagitan ng pagsubsob ng ulo sa loob ng drum na puno ng tubig sa kanilang comfort room sa Muntinlupa City.

Natuklasan ang bangkay ng biktimang si Ariel Arandia, nang pumasok sa comfort room ang kapatid na si Lilibeth Castiltor at nakita ang  nakasubsob na kapatid sa drum na puno ng tubig alas-7:27 ng gabi kagabi.

Kaagad na humingi ng tulong si Lilibeth sa kanilang kapitbahay upang maiahon sa drum ang kapatid subalit patay na ang biktima bago pa man nila maisugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodel Torres ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa police, dati nang pasyente sa National Center for Mental Health at ilang ulit na ring nagtangkang magpakamatay sa hindi pa malamang dahilan ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply