Kelot pinatay ng kuya dahil sa selos

NAPATAY ng isang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid kagabi (Pebrero 24) dahil sa selos sa ibinibigay na atensyon ng kanilang ama sa Pasay City.

Ang biktima na kinilalang si Daniel Diez, Jr., 41, residente ng No. 150 Colonel Doro Street, ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital bunga ng tama ng saksak sa dibdib.

Sanatala ang suspek na kinilalang si Jerome Diez, 47, residente rin ng nabanggit na lugar ay nadakip ng awtoridad makaraang ang pananaksak sa biktima. Nakuha rin ng pulis sa suspek ang walong pulgadang patalim na ginamit sa pananaksak.

Ayon kay P/Insp. Fernando Ferrer ng Station Investigation Division and Detective Management Section, ang insidente ay naganap dakong alas-10:36 ng gabi nang komprontahin ng suspek ang nakababatang kapatid dahil sa lagi itong kinukunsinti ng kanyang ama.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa hanggang makakuha ng patalim ang suspek at inundyan ng saksak ang biktima sa dibdib.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang patay ng doktor sa San Juan de Dios Hospital. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply