Kelot pisak sa rumaragasang trak

NASAGASAAN habang tumatawid ng kalsada ang 34-anyos na kargador, ng isang rumaragasang truck sa Tondo, Maynila kahapon (Pebrero 1).

Nakilala ang biktima na si Elizarde Reyes ng Phase 3, Block 66 Lot 12 Bagong Silang Caloocan.

Hit and Run naman ang kasong kahaharapin ng tumakas na tsuper ng truck na mabilis na tumakas.

Hind rin naplakahan ang nasabing truck.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-11:30 ng gabi, nang maganap ang insidente sa Road 10, sa Zaragosa St., Tondo Maynila.

Nabatid na galing umano ang biktima sa inuman kasama ang kanyang mga kaibigan at nang tumatawid sa North Bound ng nasabing lugar ay paparating naman ang truck kung kaya nasagasaan ang biktima at nakaladkad pa umano ito na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Dinala na sa Saint Jude Funeral Mogue, para sa awtopsiya, habang hinihintay pang kusang loob na sumuko ang suspek upang papanagutin sa kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply