Kelot sinaksak ng kainuman

MALUBHA ang  isang empleyado ng kumpanya matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kainuman kagabi (Pebrero 1) sa BMBA Compound sa Caloocan City.

Ang biktima na nakaratay at ginagamot sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMC) sanhi ng maraming saksak sa katawan ay nakilala na si Reggie Pastera, 35, kawani ng LQN Advertizing  Company at residente ng St. Jude, Malinta, Valenzuela City.

Kinilala naman ang suspek sa alyas na “Jobert.”

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound.

Nabatid magkasama sa inuman ang dalawa sa lugar at sa hindi malaman kadahilanan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo at biglang nagbunot ng patalim si Jobert at saka pinagsasaksak si Reggie.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa tangkang pagpatay habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulis laban sa suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply