Kelot tinusok ng ice pick, kritikal

KRITIKAL ang isang matangsero matapos pagsasaksakin ng ice pick ng kanyang kapitbahay habang nakikipaglamay sa patay kaninang madaling-araw (Pebrero 7) sa Potrero, Malabon City.

Nakaratay at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng tatlong saksal ng icepick sa iba’t ibang parte ng katawan si Jonh Ray Tanasa, 35.

Pinaghahanap naman ng pulis ang suspek na si Gelli Boy Patron.

Ayon sa ulat dakong alas-2:00 kaninang madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang lamayan ng patay sa nasabing lugar.

Nabatid na nagkaroon muna ng inuman ang dalawa sa nasabing lamayan at sa gitna ng kasayahan ay nagkaroon ng hindi pagkaunawaan na humantong sa pagmumurahan.

Umalis ang suspek at pagbalik ay tangan na ang isang ice pick at agad na sinugod at tinusok ng talong beses sa katawan si Jonh Ray.

Mabilis na tumakas si Gelli Boy habang ang biktima ay agad namang isinugod ng magulang nito sa nasabing pagamutan.

Inaalam ng pulis ang tunay na motibo sa tangkang pagpatay sa biktima habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply