Kenyan tiklo sa tangkang pagpasok ng droga sa NAIA

NAHULI ng Special Enforcement Service (SES) ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) at airport customs ang isang babaing Kenyan makaraang masamsam sa kanya ang kabuuang 9.36 kilo ng hinihinalang shabu.

Ayon kay PDEA Spokesperson Evangeline Almenario, nakalagay ang kontrabando sa backpack na hand carry baggage ng Kenyan na si Linda Acheng Noah, 36.

Bago pa man umano dumating sa bansa ang Kenyan ay nakatanggap na ng impormasyon ang PDEA mula sa kanilang foreign counterpart hinggil sa pagpapalusot ng ilegal na droga papasok ng Maynila.

Kaugnay nito, agad nakipag-ugnayan ang PDEA sa Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Customs (BOC) at nasabat si Noah sa isinagawang customs inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid na nanggaling sa Kenya ang suspek bago ito sumakay ng Emirates Airlines sa Dubai patungong Maynila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply