Kidapawan City jail sinugod ng armadong lalaki: 3 sibilyan patay

TINATAYANG tatlong sibilyan ang nasawi habang 12 ang sugatan makaraang tangkaing iligtas ng armadong grupo ang kanilang lider na nakakulong sa Kidapawan City Jail sa Cotabato.

Nabatid kay P/Supt. Cornelio Salinas, Cotabato Police provincial director, alas-10:00 kagabi nang maispatan ng mga bantay ng city jail ang 12 armadong lalaki na pawang nakasuot ng itim na pantaas at pantalon at naka-bonnet.

Nagpakawala umano ang mga ito ng rocket-propelled grenade (RPG) pero tumama lamang sa lupa sa harap ng main gate ng kulungan kung kaya pinaputukan na lamang ng mga ito ang gate na hindi naman bumigay.

Agad ding tumakas ang mga suspek na hinihinalang mga tauhan ng isang Datukan Samad alyas “Lastikman” na lider umano ng isang criminal group.

Habang tumatakas ay pinapatukan pa ng grupo ang mga bahay malapit sa city jail at nag-iwan pa ng improvised explosive device (IED) na sumabog pagdating ng mga rumespondeng pulis, bumbero at rescue team na nauwi sa engkuwentro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply