Killer ng sugar trader secretary kilala na

KILALA na ng awtoridad ang dalawang armadong lalaki na pumatay at tumangay  sa dalawang milyong halaga ng salapi sa isang sugar trader secretary at bodyguard nito sa  Kabankalan City nitong  Miyerkoles, Pebrero 15.

Kaugnay nito, pansamantalang hindi inihayag ng awtoridad ang pangalan ng mga suspek habang hindi pa natatapos ginagawang follow-up operations.

Ayon kay Kabankalan police Chief Superintendent Calixto Mabugat, kilala na nila ang mga suspek na pumatay at nagnakaw sa sugar trader secretary na Cheryl Bigota, 32, ng Barangay 1; at nakapatay din sa bodyguard nito na si Celso Cari-an, 67,  ng Barangay Binicuil.

Nabatid na si Cari-an ay empleyado ng isang  Herminia Ledesma Bigota, isang sugar trader sa Kabankalan City.

Lamalabas sa imbestigasyon, nilapitan ng dalawang suspek ang mga biktima saka inagaw ang dalang P2 milyon bago pinagbabaril.

Ayon kay Mabugat, isa sa suspek ay kinilala ng isang testigo sa hanay ng mga litrato sa Kabangkalan Police Station at isa sa mga ito ay may nakabinbing kasong paglabag sa sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa imbestigasyon, sinamahan si Bigota ni Cari-an, para mag-withdraw ng salapi sa isang bangko sa lungsod bago nagtungo sa bahay ni Ledesma sa Ramos Subdivision, 3:23 ng hapon

Nasa aktong kumakatok ang dalawang biktima nang lapitan ng mga suspek at sapilitang inagaw ang dalang bag na naglalaman ng salapi nang malaban si Cari-an kaya pinaputukan ang mga ito.

Nakatakdang sampahan ng kaso bukas, February 20 ang mga suspek ng kasong homicide at robbery sa tanggapan ng City Prosecutor’s Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply