Kilos-protesta ikakasa sa anibersaryo ng Oil Deregulation Law

IKAKASA ng militanteng grupo ang isang malaking kilos-protesta kaugnay sa ipinatupad na Oil Deregulation Law sa darating na Biyernes (Pebrero 10).

Ayon sa ulat ang kilos-protesta ay bilang paggunita sa ika-apat na taong anibersaryo ng pagsasabatas ng Oil Deregulation Law.

Kakalampagin nila ang pamahalaan partikular na ang Department of Energy (DOE) gayundin ang mga kumpanya ng langis dahil sa pagsasamantala ng mga ito sa pagtataas ng presyo ng langis.

Magugunitang nitong nakalipas na buwan lamang ay sunud-sunod pagsirit sa presyo ng krudo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply