Kilos protesta sa Marso, plantsado na

PLANTSADO na ang ilulunsad na malawakang kilos protesta ng militanteng transport group ano mang araw sa buwan ng Marso sa patuloy na overpricing sa langis at iba pang isyu sa pampublikong transportasyon.

Sinabi ni Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) National President George San Mateo na patuloy silang nangangalap ng suporta mula sa mga tsuper at mamamayan para sa national protest na ikakasa sa Marso 15.

Bukod sa overpricing sa langis, binatikos ng grupo ang Pantawid Pasada Program ng administrasyong Aquino dahil limos at pampogi lang aniya ito ng kasalukuyang administrasyon.

Kinontra rin ni San Mateo ang ipinagmalaki ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paggunita sa EDSA People Power Revolution dahil lalo pa aniyang lumala ang sitwasyon ng kahirapan kung ihahambing sa 26 taon na nakaraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply