Kinatawan ng QC Register of Deeds isinalang sa cross examination

SA PAGPAPATULOY ngayon ng ika-11 araw ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona ay muling isinalang ng prosekusyon sa witness stand ang kinatawan mula sa Register of Deeds ng Quezon City.

Si Ginoong Carlo Alcantara, deputy register of deeds ng Q.C. ay isinalang ngayon para sa cross examination ng defense team.

Unang humarap si Alcantara sa impeachment court noong Enero 19 (2012) para sa mga umano’y ari-arian ng punong mahistrado sa nasabing lungsod.

Sa pagsalang ni Alcantara ay kanyang iprinisinta ang mga dokumento sa pagbili ni Carla Constantino Castillo ng P15-milyon na property sa nasabing lungsod.

Bukod kay Alcantara, sinabi ni lead prosecutor, Rep. Niel Tupas Jr., na ihaharap din nila ang register of deeds ng Marikina, na dati na ring tumestigo.

Ayon kay Tupas, dalawa pang testigo ang ipiprisinta ng prosekusyon, si Greg Gregornia ng Burgundy Realty Corporation at Ava Venus Mejia ng Filinvest Alabang Inc.

Ang dalawa ay sasalang para sa Article 2 ng impeachment complaint, kung saan nakasaad ang umano’y maling deklarasyon ni Corona sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply