King of Comedy Dolphy labas-masok sa ospital

INAMIN ni Zsa Zsa Padilla na hindi maganda ang kalusugan ngayon ng asawa na si King of Comedy Dolphy.

Bukod dito, sinabi rin ng Divine Diva na napakahirap ng mga pinagdaanan nila nitong nakalipas na taon.

Ilang ulit din umanong naglalabas-masok ang Comedy King sa ospital dahil nga rin sa katandaan. Ngayon ay 83-anyos na rin ang Hari ng Komedya at mayroong iniindang karamdaman.

Sa ngayon, sinabi ni Zsa Zsa na nasa bahay si Dolphy.

Ginagawa ng buong pamilya ang lahat upang matutukan at maalagaan ito.

Gayunman, hindi pa rin ibinahagi ni Divine Diva ang detalye kung ano ang karamdaman ni Dolphy.

Hindi raw siya Zsazhing ang may K na magdetalye sa kung anong iniinda ni Dolphy.

Kapag handa na ang buong pamilya ng King of Comedy ay tsaka sila magbibigay ng pahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply