Kirby Asunto aawit ng ‘Lupang Hinirang’ sa Pacquiao-Bradley fight

MASWERTENG napili ang 14-anyos na New York-based Filipina na si Kirby Asunto para umawit ng “Lupang Hinirang sa bakbakan nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa Hunyo 9.

Nabatid na mismong ang Pambansang Kamao ang pumili kay Asunto.

Ang dalagitang Pinay ang umawit sa misang idinaos bago ang laban ni Pacman kay Juan Manuel Marquez noong Nobyembre 2011.

Sa isang ulat, sinabi ni Asunto, na sa naturang misa siya unang narinig ni Pacquiao na umawit.

Sinundan pa ito ng maimbitahan siya sa concert ni poun for pound king matapos ang kontrobersiyal na panalo laban kay Marquez.

Ayon pa kay Asunto, malaking karangalan para sa kanya ang pagkakapili na umawit ng pambansang awit ng Pilipinas sa laban ni Pacquiao.

Aniya, hindi siya nagdalawang-isip nang alukin ng Pinoy boxing champ.

Isinilang si Asunto sa Pilipinas ngunit noong 2006 ay nag-migrate na siya kasama ang pamilya sa Amerika.

Bata pa lang ay pangarap na ni Asunot na maging mahusay na singer gaya ng idol niyang sina Adele, Celine Dion at Barbara Streisand.

Nagpamalas na rin ng kahusayan sa pag-awit si Asunot matapos na mag-kampeon sa Child Access Broadway singing contest at hiranging grand champion sa Philippine Fiesta Idol sa New Jersey.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply