KMU sumugod sa tanggapan ng SSS

Sumugod ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City upang batikusin ang mga ipinatutupad ni Pangulong Benigno Aquino III na mga umano’y kontra mahihirap.

Inihalintulad ng grupo si Pangulong Noynoy sa isang evil dahil hindi umano makatarungan ang planong pagtataas sa singil sa kontribusyon para sa pension fund.

Base pa sa grupo, kaya ng SSS na taasan ang workers’ pension nang hindi itinataas ang bayad sa premium dahil noong 2007, pumalo sa P24 bilyon ang naging koleksyon nito o mas mataas ng 12-percent kumpara noong 2010.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply