Kontrobersyal na Customs clerk nag-resign na

KINUMPIRMA ngayon ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na nagbitiw na sa puwesto ang kontrobersyal na Customs clerk na nasangkot sa pagpapaputok ng baril dahil sa simpleng away trapiko sa Pasay City.

Ayon kay Biazon nagsumite na ng letter of resignation ang nasabing clerk na si Paulino Elevado na nagmamaneho ng isang mamahaling Porsche.

Si Elevado ay una nang kinastigo ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at sinampahan ng patong–patong na kaso sa Office of the Ombudsman.

Matatandaan noong Enero 21, 2012, nahuli sa CCTV camera si Elevado na nagmamaneho ng porche habang tinutugis ang isang sasakyang nakaaway sa trapiko.

Habang lumabas naman sa imbestigasyon na nagmamay-ari ito ng dalawang property sa High-End Residential Areas sa Las Piñas City, taliwas sa isinasaad nito sa kaniyang statement assets, liabilities and net worth.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply