Korona target ng Road Warriors

PUNTIRYA ngayong hapon ng NLEX Road Warriors ang titulo ng PBA Developmental League Aspirants Cup laban sa dehadong Freego Jeans Makers sa Game 2 ng best of 3 finals sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City.

Pinasadsad ng Road Warriors sa first game, ang Jeans Makers sa score na 75-51 sa pamamayani nina Ian Sangalang, Ryan Roose Garcia, Garvo Lanete, Cliff Hodge, Calvin Abueva, Dave Marcelo, Borgie Hermida, Emman Monfort at Chris Elis.

Hindi nakaarangkada sina Lester Alvarez, Alex Nuyles at Eric Camson sa depensa ng matatangkad na players ni coach Boyet Fernandez.

Gaganapin bago sa pagsisimula ng bakbakan ang paggagawad ng parangal sa Best Player Of The Conference na paglalabanan nina NLEX RR Garcia, Lester Alvarez ng Freego Jeans  at Vic Manuel ng Cebuana Lhuillier Gems.

Nananalig naman si Freego coach Leo Austria na kapag nakontrol nila ang malalaking player ni coach Fernandez ay makababawi sila sa Road Warriors para makuha ang winner take all Game number 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply