Kotse vs trak: 26 sugatan sa Benguet

TINATAYANG 26 ang nasugatan makaraang magbanggan ang isang kotse at pampasaherong bus sa kahabaan ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet, Linggo ng umaga, Pebrero 26.

Nabatid kay Highway Patrol Group (HPG) Chief Leonardo Espina sa ulat ng dzMM, minamaneho ng isang Eduardo Sawig ang Lizardo Transit bus, habang kinilala namang si Lin Cervantes ang driver ng Mitsubishi Galant.

Tiniyak naman ng attending physician ng Baguio General Hospital (BGH) na minor wounds lang ang tinamo ng mga pasahero.

Iniimbestigahan na rin ng HPG Cordillera kung sino sa dalawang driver ang may pagkakamali na nagbunsod ng banggaan.

Naganap ang insidente kasunod ng Flower Float Parade na bahagi ng selebrasyon ng Panagbenga Festival sa Baguio na dinadayo ng mga turista.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply