Kris Aquino, Anne Curtis excited makipaghalikan kay Robin Padilla

SINA Robin Padilla at Kris Aquino ang magkatambal sa “Kailangan Ko’y Ikaw.” Nagkaron na ito ng story conference last Thursday  night sa 14th Floor ng ELJ building.

Present ang tatlong lead stars at ang isa rin sa main cast na si Xyriel Manabat.

After the story conference, binigyan ng surprise birthday treat sina Anne and Kris na sabay na magdiriwang ng kanilang kaarawan on Feb. 14.

Pagkatapos nito, nagkaroon na ng tsikahan with the press.

Sobrang excited ang tatlo sa project dahil napakaganda raw ng materyal. Siyempre, bilang dating natsismis sina Kris and Binoe, kinakantiyawan sila ng press.

Mag-asawa ang role nila rito kaya hindi maiwasang maitanong kung may kissing scene.

Nagbiro nga si Robin na gusto raw niya, torrid kissing scenes at say naman ni Kris, “Why not?”

Dugtong pa ng actress-TV host, “Eh kasi, tatlo naman ang anak namin dito, paano naman kami nagkaanak kung wala namang love scene na naganap?”

Humirit pa ng question si Anne ng, “How far do you plan to go, Ate?”

Sagot ni Kris, “This is TV, Anne. So, how far can you really go? ’Yung far na far, hintayin na lang natin kasi may movie ako for that.”

Leading lady din ni Robin si Anne kaya naman natanong din ang young actress kung okay din sa kanya na magkaroon ng kissing scenes sa action star.

“Of course, of course. With this role comes a mature love story. So, I’m game, of course, to do what my role requires to do and kung ’yun ang requirement, why not?”

Proud ding ikinuwento ni Kris na nakaka-touch si Robin dahil panay ang ‘thank you’ sa kanilang dalawa ni Anne.

“He kept on saying ‘thank you’ talaga sa amin ni Anne. Sabi niya, ‘uy, thank you, thank you talaga.’ Para bang sabi ko, ‘we’re so important, tayo ang tine-thank-you-han ni Robin Padilla.’

“Kasi nagawan nila ng paraan to make a series that will have the element of action pero pumayag si Robin talaga na at its core, it’s a family drama and a love story. Kaya, yey!” say ni Kris.

Pero paano ’yan, baka magselos na naman si Bimby, this time kay Robin, lalo na’t makikita silang may kissing scenes?

“No, kasi bago ako pumunta rito, in-explain ko sa kanya at sinabi ko sa kanya na ‘honey, when it’s in front of the TV, you know, it’s pretend. So, ’pag pretend, okay lang. Sabi ko, ‘it’s pangit if it’s real life but if it’s in front of the camera, it’s work, it’s okay.

“So, okay siya ru’n. Basta work.”

Magsisimula nang mag-taping ang serye sa Feb. 21 at ididirehe ito nina Malou Sevilla at Joyce Bernal.

o0o

Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal

BAKIT nga ba hindi pa nagkakaanak sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez? Kung ilang taon na rin naman silang kasal, pero bakit nga ba wala pang baby?

Ayon kay Binoe ay mas okey na raw muna ang ganitong wala silang anak.

“Wag muna ’tol. Kasi bagong kasal kayo, enjoy-in n’yo muna,” sey niya.

Nalalapit na ang Valentine’s Day, ano ang plano niya?

“Siyempre, kasama ko ang aking nag-iisang asawa.”

Talaga bang nag-iisa na lang?

“Oo siyempre,” mabilis niyang sagot. “Medyo mahirap ang buhay ngayon.”

Sa Araw ng Mga Puso, wish ni Binoe na mabigyan naman daw ng bakasyon si Mariel mula sa Wil Time Bigtime na programa ni Mariel sa TV5.

“Kasi, ang gusto lagi ni Willie (Revillame, host ng Willtime Big Time), laging live sila, eh. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin namin pero siyempre, nakasalalay ’yun sa trabaho niya.”

Weekdays kasi natapat ang Feb. 14, Tuesday to be exact, kaya may trabaho nga si Mariel.

“Kung hindi siya papayagan (na um-absent), doon ako. Maglalagay na lang ako ng table ro’n kung saan man siya.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply