Kris Aquino at James Yap opisyal nang annulled

OPISYAL nang pinawalang bisa ng korte ang kasal ng basketball player na si James Yap kay Queen of Talk Show Kris Aquino.

Mismong ang bestfriend ni Kris na si Boy Abunda ang nagbalita sa nasabing usapin.

Ayon kay Boy, unang tinawagan ng aktres ang kanyang pamilya at pangalawa ay mismong si James Yap.

Naging batayan sa pagpapawalang bisa sa limang taong kasal ng dalawa ang kawalan ng kapangyarihan ng solemnizing officer o nagkasal sa kanila.

Hindi naman nagkaroon ng problema sa hatian ng properties dahil ayon mismo kay Kris, hindi naman naging sakim ang basketbolista kahit wala silang prenuptial agreement.

Noong nakaraang taon pa umano naayos ang hatian sa properties.

Dahil menor de edad, mapupunta sa TV host ang kustodiya para sa anak nilang si Baby James at binigyan ng visitation rights si James habang mananatili namang Yap ang apelyido ng kanilang anak.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply